nang dahil sa yogurt with peaches and crushed chocolate ng red mango ay na-time warp ako sa mga pagkakamali ko nung college. itinago ko na sa pinakasulok ng utak ko yung mga pagkakamali kong nagdulot ng labis na sakit sa isang tao. eh olats, yung kasama namin alam pala ang nangyari noon. isa pala siya sa mga outlet pagdating sa sama ng loob sa akin ng isang babae. pero ayos lang, naalala ko lang kasi yung mga mali ko noon na hindi ko pala masyadong naayos at meron pa pala akong dapat na baguhin sa sarili ko.hihi kaya pala siguro hanggang ngayon ay inuulanan pa rin ako ng bad karma.naniniwala na ako ngayon sa karma.taena. ilang araw na ang lumipas pero asar talo pa rin ako sa kulitan tuwing lunch break. mahilig akong mang-asar, pero pagdating sa usapan na yan tumatahimik nalang ako sabay ngiti.nagpipigil na magwalk-out. pero for the record, aamin ko na ngayon.hindi ko sinira ang buhay nya.nagkaroon lang kami na tinatawag na “close encounter”.hihi
pagkatapos ng lunchbreak, naka-yuko nalang akong naglalakad papunta sa workstation ko sabay suot ng headset.taena.naki-ride pa yung kanta ng Athenaeum. ang kantang what I didn’t know. Oh sabay-sabay tayo sa pagkanta :
“That’s when I said I’ll need
More than you can offer me
But now I own an empty space
And I can’t fill it with your face
Cause what I didn’t know
Is I was killing you
I said a lot of things that I didn’t mean to
But I am older now
And I believe in you
So I can wait awhile
If it brings me back to you”

